Followers

Wednesday, January 5, 2011

THE EXPERIMENT

Paano kaya kung si Gillboard ang nagsulat dito?

Wala kasing maisip isulat yung ingliserong mapagpanggap dito. Kaya ako muna ang magrurule over sa tahanang ito. Ngayon lang naman. Papatayin ako ni Engel, pag nabawasan siya ng readers dahil sa akin.

Wag kayo mag-alala one time lang ito. Nag-eeksperimento lang siya. Hindi bagay ang isang gaya ni Gillboard sa ganitong lugar.

So nosebleed!!!

Iniisip ko, gusto ko mag gay speak sa blog na ito. Mga tipong chever chever. Witwittiririt. Chorva.

Kaya lang wala akong maisip. At tuwing iniisip ko, medyo nasusuka ako. Hindi bagay!!!

Alam niyo naman siguro na out na ako sa aking tahanan. Kaya medyo nahihirapan akong pag-ibahin yung dalawang blog. Minsan nag-iisip ako kung ano ang isusulat ni Engel dito. O kung may naisulat na ako, minsan naiisip ko parang mas bagay iyon na isulat sa ingles at ipost dito.

Ang hirap talaga pag dalawang blog ang kailangan na imaintain. Masakit sa ulo. Kaya siguro hinahayaan niyang minsan si Kasintahan, este si Kid pala na magsulat para sa kanya. Kaya lang madalas pag pinapareview ni Kid yung sinulat nito eh nagkakamigraine ang lolo niyo. Kailangan niya kasing namnamin ang mga nakasulat dahil kinuquiz siya nito.

Binabasa ko kanina ang mga sinusulat ni Engel noon. Ang dami nang pinagbago. Iba na nga talaga siguro dahil hindi na siya single. Mas maikli na kwento. Mas di na makulit. Wala na kasi siyang iniimpress. Wag niyong ipagkalat ito ha, dati kasi nagsusulat yon para magpapansin sa mga kras niya sa blogosperyo. Ang landi lang.

Pansin ko nga, hindi na rin siya masyadong nag-iiikot sa mga kablog niya dito. Kilala pa kaya siya ng mga dati niyang kalandian sa pink blog world? Kilala pa niya kaya yung mga nilandi niya noon? Ulyanin si Engel eh.

Napaisip ako. Kung si Gillboard kaya ang nagkukwento dito sa Engel Tells All, pareho pa rin kaya ang mga makikilala niyang kaibigan dito? Mas kumportable na kaya si Gillboard magsabi ng mga salitang chenes, cheverlyn at churvaloo?

Hula ko, kung si Gillboard ang nagsulat dito naging sex blog ito.

8 comments:

iurico said...

potek! Nalito ako sa post na ito. hahahaha

Jpy Dee said...

kaya nga pinatay ko na si Popoy Inosentes eh. wala naman daw kasing pinagkaiba. lalaki nga lang daw ang iniiyak iyak at dinadrama ko sa DITC. LOL.

:P

JasonPaul said...

ikaw ang dahilan kung bakit ako gumawa ng isang totoong anonymous na blog. lol.

Will said...

Wow, hahaha, may split personality ka! :D

Kyle said...

hahaha nanibago ako. kasi dinatnan ko ang blog na ito na hindi ganito ang post.LOL

kaloy said...

ME like Engel... ;p.

Gillboard seemed out of place without all the 'green' stuff around the blog. Hehehe.

But i wouldn't mind having both in one blog - it would be like the Strange Case of Dr Jekyll and Mr Hyde... Hehehe.

Happy New Year to you and the Kid! ;p

Nielz said...

Sandali.. so sinasabi mo ba na ikaw si MARA at si gillboard si CLARA?!

Oh Siyeeeet!! Ang diary! Ang diary ni Carlo.. ilabas nyo ang tunay na del valle.. lol.. hehehehe..

Jayvie said...

ay akala ko magbebekimon ka. sampol naman! :D