Followers

Wednesday, November 11, 2009

TAGALOG

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi naman mahirap iyon. Mababaw lang ako. Hindi ko kailangan na dalhin sa pinakamalalayo't pinakamagagandang lugar sa mundo, basta alam kong gusto ako ng kasama ko, nasa langit na ako.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi ako guwapo. Hindi ako matipuno. Hindi ako matalino. Okay, matalino ako ng kaunti. Hindi rin ako maghahangad ng mga ganung tao. Basta ba tanggap mo ang mga topak ko, ang puso ko'y iyung-iyo.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi ko kailangan ng mamahaling regalo. Hindi ako maghahangad na ipakilala mo sa mundo. Hindi mo nga kailangang araw-araw kausapin ako. Basta hawak ko ang mga kamay mo, maligaya na ako.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi mo kailangang gustuhin ang mga pinagkakaabalahan ko. Hindi nga kita kukuliting basahin ang mga sinusulat ko. Hindi din kita pipiliting mahalin ang mga mahal ko. Basta papasukin mo ako sa mundo mo, okay nako.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi ako perpektong tao. Ako'y nagkakamali. Natutukso. Nabuburaot. Nababato. May pagka-ugaling manyakis din ako. Pagalitan mo man ako, basta ba kakampihan mo ako, pipilitin kong kahit papano'y magbago.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Ipakita mong interesado ka. Iparamdam mong mahal mo ako. Yun lang ang kailangan mong gawin, mahuhulog na ako. Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako.

***************
Engel wanted to write something different. He needs to make up for the five days that he's been gone from his blog. He's not being emo, nor does this post mean anything. But the words have been running in his head since this morning.

Engel doesn't write in Filipino very often. He has another venue for these kinds of posts. But he just wants to do something new.

Engel sucks at poetry, and this is his lame attempt at writing one.

23 comments:

citybuoy said...

"Engel sucks at poetry, and this is his lame attempt at writing one. "

no you don't. i thought it had just the right amount of sweet and funny.

"Hindi ako guwapo. Hindi ako matipuno. Hindi ako matalino. Okay, matalino ako ng kaunti. " <- see! haha

as for writing in filipino, i tried it too. it's been years since i last did it. it's very different no? although i doubt if i'm going to post anything in filipino again any time soon.

itsMePeriod said...

walang mangyayari kung ipipilit kapag hindi handa

hayaan mong mamutawi nang natural ang emosyon

oo nga pala, siguro kaya hindi mo matumbok,kasi iba ang 'gusto' sa 'kailangan'

maligaya ako para sa iyo

rudeboy said...

You know, engel, if this poem were in English, it would've been perfectly ended with Debbie Jellinsky's rant from Addams Family Values:

"Aren't I a human being? Don't I yearn, and ache, and shop? Don't I deserve love... and jewelry?"

engel said...

rudeboy: i loved that movie. i think i need to scour the local video shops to find a copy of that one. thanks though.

anteros: wait lang, medyo nosebleed yung tagalog. anyway, di naman ito marerelate masyado sa buhay ko ngayon. buong araw lang siya naglalaro sa isip ko kaya ko sinulat. =)

nyl: thanks. actually i often write in filipino. it's just a matter of finding out where those are posted. ;)

itsMePeriod said...

maraming salamat engel. nauunawaan ko ang paghihirap ng kaniyang kalooban.maswerte siya dahil marami ang handang umalalay sa kaniya..nuon ako, talagang pinilit kong magpakatatag lalo pa at isang lihim ang aking nawasak na relasyon

tinig ng langit yata ang titulo ng awiting ito. sa totoo, hindi ko sigurado. ibinigay lang kaibigan ko ang lyrics na ito at minsan ay napakinggan ko sa programa ni amy perez..

maganda yung mensahe ng awitin..subalit mas maganda siyang pakinggan..

hindi pa nga lang ako nakakakita ng mp3 copy nito

(ah, pagpaumanhinan mo na ang aking pananalita.isa kasi akong pilipino.na may pagmamahal sa wikang ipinamana ng aking mga ninuno)

:')

Tristan Tan said...

@engel the color of this blog may have changed. your pen name may be different. but, the writing style remains the same. glad to know you've established another home. i supot you.

Anonymous said...

hi engel, wala lang :)

domjullian said...

hmmmm.

you will be loved for sure.

peripheralviews said...

its funny how there are millions of people who feel the same things as you do, pero hindi sila magkita kita... haaayyy... nice one!

Unknown said...

"Engel sucks at poetry, and this is his lame attempt at writing one. "

Of course not! You are good on it, in fact! ;D Love your poem.

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

the geek said...

kahit hindi para sa akin ang post na ito, parang dunuduyan ako habang binabasa ko...

kung sino siya, ang swerte naman...;)

Mike said...

awww sweet naman. di ko na kailangan ata ng asukal para sa kape ko. lols!

hay ipakilala mo na nga kasi kung sino yan kasi nachichismis na tayo daw. hehehe!

Anonymous said...

ang inlab nga naman, nagiging matamis ang dila, hahaha.

spread the love engel!!

engel said...

maxwell: naku, di naman. hahaha

mike: are you sure?!

geek: parang may nalalaman ka na hindi ko alam :D

solo: wow, thank you very much!

PV: they may have, pero dahil nakatingin sa iba't ibang lugar, di nila namamalayan na katabi na pala nila yun. =)

dumenec: i hope so too. like i said, di naman ako mahirap mahalin. =D

xtian: ikaw din parang may alam ka ah!!! share mo naman. sakin lang. =)

tristan: didn't know you read my other home to recognize my writing style. bakit parang alam na ng lahat ng tao kung sino ako?! someone spilled!!! =D

anteros: sana maishare mo yung kanta, nais ko rin sanang marinig yun. =)

Eternal Wanderer... said...

ang gusto ko lang ay mahalin ako, at tumbasan ang pagmamahal na iyon.

Anonymous said...

ha? ano mean mo na alam ko? :)

Yj said...

lapatan na ang mga titik ng musika.... at ipakanta sa Young Men hihihihi

Gusto ko lang naman ay mahalin ako, para maramdaman ko man lang na buhay pa ako....

(shet ang emo ko hahahaha)

Anonymous said...

Wow... Ang ganda naman ng entry na 'to. Partida, sabi mo di mo gamay ang ganitong genre!

Kampai!

domjullian said...

@ Engel, agree-ng agree!

engel said...

Dumenec: salamat sa pag-agree! kaya kita paboritong kablog eh! =D

m2mtripper: nice username. salamat sa papuri! =)

yj: cute yung isa dun sa young men. =)

xtian: di ka naman kasi nagmemessage sakin. lam mo na yun. =D

ternie: para kay tpol ba yan?! =P

the geek said...

hahaha this is in response to your comment. i am better.

but thank you for the concern...;)

Anonymous said...

Lame ei? i think you've done a good job!

Fave ko 3rd stanza.. Haha, gusto ko kasi may ka holding hands,masaya na ko dun..

There must be something going on with you.. I wonder! Ahaha!

Cheers Engel!

Anonymous said...

nge pano naman ako mag memesage sayo hindi ko alam contact mo hehe